Sunday, August 24, 2008

bakit tito?

nakakatawa.

yung pamangkin kong super kuleet at super cute nauto ko kanina. pinapedicure ko sa kanya yung daliri ko sa paa.

haha. so brutal diba?

di naman yung actual pedicure talaga kasi di naman nia kaya yun. hellooo! 5 y/o pa lng yun. baka maging dinuguan pa yung mga daliri ko. kaya yun. ang ending push na lng ang ginawa nia complete with pusher and yung kulay pink na liquid. [nakalimutan ko ang tawag]

so yun. e after 3 kuko e tinamad na siya. kaya dinaan ko sa pang-uuto. di effective. pero shempre isip ako ng ibang strategy.

ang ending? tinapos niya shempre may kapalit....

kapalit na icepop! haha. diba? so cheap.

ay, bakit pala 'bakit tito?' yung title nung post? e kc nung kalagitnaan ng pagpedicure niya may nagtext sa akin ng sweetness na message. e napangiti ako sa kilig. wahaha. [so high school diba?] kaya yun. nakita niya. kaya nagtanong siya ng:

'bakit tito? bakit ka tumatawa?'

Saturday, August 16, 2008

scared

i'm scared. akala ko nung una wala lang.

then boom! i found myself looking forward for his texts, for his jokes. i even miss his laits. everything.

then one morning he wasn't texting me because he was busy with work. but he did text me, patakas.. then he texted me after his work explaining his side. even apologizing.

the time he wasn't texting me, i felt weird. like someone just put something heavy on my chest. i can't explain it but it sure is a familiar feeling that i had before.

the scary part? i realized i was falling.. and that he now has the power to make me happy or

the power to hurt me.




"if a person made u smile and for how many times already, for sure... that person can make you cry real tears too."

Saturday, July 26, 2008

mental

duty ako sa mental. exciting diba?

so yun. nung first day namin meron kaming activity yung sharing sharing nung mga sinulat namin sa drawing ng palm namin.

ayun. e ako yung unang tinawag. share daw. as in anything. even yung mga deep dark secrets. kahet humagulgol daw ako kung yun ang nararamdaman ok lang.

kamusta ka naman dun diba? e madami kaming school dun. hello. hagardness kung hagardness?

so yun na nga. super explain. e parang yung activity e di mo maiiwasan ikunek sa family at sa mga naranasan mo sa buhay buhay. kaya yun, ang ending mangilid-ngilid ang luha ko habang nag she-share with matching nanginginig na boses.

e halos naman lahat ganun ang nangyari. shempre may mga revealing stories:
si _______ pala ay ganun.
si ___________ pala, ganito pala ang naranasan.
yung buhay pala ni ________, pwede pang teleserye.

as in.

parang dahil dun sa sharing naiintindihan ko kahet papano kung bakit naging ganun si __________, kung bakit minsan ganito si __________. at ganito pala yung mga pinagdaanan ni ____________.

tapos katuwa yung mga experience ha. may humalik pa nga sa akin sa pisngi at mga kamay ko. parang obsessed na fan. hehe.

tsaka kahagard yung mga nakukuha mong info sa mga pasyente.
meron nagsasabi queen daw sya. yung pasyente ko naman nung tinuturuan namin sila gumawa ng bangka sa papel biglang nagsabi na nakasakay na daw siya ng bangka. so ako naman si tsismoso nagtanong ng:

"ano pong ginawa niyo sa bangka?"

ang sagot: "kumain lang ng tinapay." with matching flat affect.

kamusta ka naman dun diba?

Sunday, July 20, 2008

immersion, ang katapusan

natapos din. nakaraos na sa wakas. shet.

goodbye...
-sa matigas na higaan.
-sa malamig na tubig.
-sa hagard na house to house survey.
-sa paglalakad na parang walang katapusan.
-sa nakakalokang pag ta-tally.

infernez, kahet sumakit yung joints ko sa 4 na linggong pagtulog ko sa sahig. tsaka yung pagsusurvey sa bahay bahay at pag lusot sa mga daanan na di mo aakalaing may bahay pala sa dulo after mo dumaan sa makikipot na eskinita na puro puno.

pramis di ko talaga makakalimutan yun. mahirap pero enjoy.

tsaka dito lang ako naka experience:
-magluto ng tokwa na naging giniling ang itsura dahil di ako marunong mag prito.
-mamalengke
-magbalat ng carrots at patatas. pramis. nagawa ko na dati pero naging mag better ako kasi nababalatan ko na sya ng maninipis. dati kasi parang kokonti na lng yung naiiwang laman after ko magbalat.

anu pa ba?!?

naka meet din ako ng mga bagong frends. tsaka shempre yung foster family ko. dun ba namin kami tumira ng 11 days diba? di ko din sila makakalimutan lalong-lalo na si ate sol.


pics to follow....

Friday, July 4, 2008

check-up

nagpa check-up ako kahapon.

pano ba naman nung lunes pa ako nilalagnat. e 3 days na yun.

diba, hagard? samahan mo pa ng sipon. as in yung heavy ha. super flowing. tapos pag ihihiga mo, barado. yung ikot ka ng ikot para may-i switch yung bara sa kabilang nostril.

at eto pa. nasa community immersion pa ako nian. o dba? hagard tlga. plus the fact na yung tinutulugan pa namin dun e sahig. di pa naman ako sanay matulog sa ganun. sakit sa buto. peste. parusa talaga. nung 2nd night ko pa dun bigla pa ako nag chills. so hagard talaga.

nagets mo na siguro yung eksena..

so balik tayo sa check-up. ahihi.

ayun na nga, nung turn ko na mag one-on-one with the doctor. may-i-ask sa kung anong complain with anung nararamdaman at kung ilang araw na chuchu yung ganuong filing. yung usual na getting to know you ng mga doctor.

eto ang parts ng dialogue. walang napalitan na words. eksaktong eksakto ito.

dok: "anu ininom mo? nag paracetamol ka ba? biogesic? neozep?"

ako: "nag paracetamol po ako every 4 hours. nag dipen [dipenhydramine] din ako ng 3 days."

dok: "bakit ka nag dipen? di ka ba inaantok dun? nakakantok kc yun [dipen].. nag thermometer ka ba? 37.6 ba pataas?"

ako: "opo. 38 nung tuesday. 39.5 nung gabi. kahapon di ko na nakuhanan. kasi po akala ko allergic reaction lang. biglaan kasi ako nag aaching [sneeze], sa gabi po ako umiinom para ok lang na antukin."

dok: may nararamdaman ka bang blah blah blah [---marami pang tanong---]

dok: "ok. baka trangkaso lang yan, or flu. i papa CBC at urinalysis kita, maari kasing dengue din yan."

ako: "nag torniquet test po ako. negative po sa peticheal rash."

dok: naloka, "nurse ka no?"

ako: "student nurse pa lang"

dok: "ah, mag pa CBC at urinalysis pa rin tayo kasi di naman 100% accurate ang torniquet test. para sigurado kasi sa platelet nakikita kung may dengue." blah blah blah.... "anung year mo na? san ka nag nunursing?"

ako: "4th year na po, sa _ _ _." [napromote ko pa yung school ko. shempre.]

blah blah blah. mahabang usapan.


hehe. o diba? bida-bida ako sa check-up. napa tumbling ko yung doktor. ahihi.


ang resulta: ok ang platelet. ung urinalysis may 3-5 rbc. for evaluation ako. kaya water therapy ako for 1 week. walang junk foods. walang maalat. ang lungkot diba? yun pa naman yung masarap kainin.tapos urinalysis ulet next week kung nawala or nabawasan. pag nadagdagan gamot na ito sabi ni dok.

gudlak!

Tuesday, June 17, 2008

basketbol

nag gym kami knina ng friends ko. early early bird kmi kc hinabol namin ung 7:30 am cycling class e dapat 30 mins before e nandun ka na. so parang kami na rin ang nagbukas ng mall kasi sarado pa yung mga outlet nung dumating kami.

in fernez, happy mag cycling. enjoy. yun nga lang hagardness kung hagardness. e so yun. tiis lang kung gusto mag burn ng fats. lol.

tapos yun e di dun na kami sa machine. tapos after several minutes naisipan namin mag coffee. eto na, katangahan ko natapon yung coffee. e nahiya naman ako kaya may i get ako ng tissue dun malapit sa machines. tpos biglang may humawak sa aking tranor sabay banat ng:

"sir nagbabasketbol ba kayo?" haha. shock ako. as in. mukha siguro akong basketbol player. haha.

sabi ko: "hindi. bakit?" sabay banat ng aking picture perfect smile. kasi cutie-cutie yung tranor.

ang sagot: "wala. kasi may basketbol kami mamya. baka gusto mo sumama. kulang kasi kami."

windang.

ay, na-sight din pala namin yung 2 professor namin sa skul. actually 3 sila. di ko sure kung prof din yung isa sa skul namin. in fernez. yummy pala sila pag naka sleeveless. haha.

Tuesday, June 3, 2008

update

went to school yesterday. paid my tuition.

my "no-soda" motto was unccessful on the first 2 days. i drank like about 5-8 glasses on sunday and 4 glasses yesterday. we went out so i'm using that as an excuse because fast foods offer sodas. lol. lame excuse

anywho, i was pretty successfull today having only about half glass of soda on my stomach for the whole day. and my piss was straw-colored. hows that for a change?