Friday, July 4, 2008

check-up

nagpa check-up ako kahapon.

pano ba naman nung lunes pa ako nilalagnat. e 3 days na yun.

diba, hagard? samahan mo pa ng sipon. as in yung heavy ha. super flowing. tapos pag ihihiga mo, barado. yung ikot ka ng ikot para may-i switch yung bara sa kabilang nostril.

at eto pa. nasa community immersion pa ako nian. o dba? hagard tlga. plus the fact na yung tinutulugan pa namin dun e sahig. di pa naman ako sanay matulog sa ganun. sakit sa buto. peste. parusa talaga. nung 2nd night ko pa dun bigla pa ako nag chills. so hagard talaga.

nagets mo na siguro yung eksena..

so balik tayo sa check-up. ahihi.

ayun na nga, nung turn ko na mag one-on-one with the doctor. may-i-ask sa kung anong complain with anung nararamdaman at kung ilang araw na chuchu yung ganuong filing. yung usual na getting to know you ng mga doctor.

eto ang parts ng dialogue. walang napalitan na words. eksaktong eksakto ito.

dok: "anu ininom mo? nag paracetamol ka ba? biogesic? neozep?"

ako: "nag paracetamol po ako every 4 hours. nag dipen [dipenhydramine] din ako ng 3 days."

dok: "bakit ka nag dipen? di ka ba inaantok dun? nakakantok kc yun [dipen].. nag thermometer ka ba? 37.6 ba pataas?"

ako: "opo. 38 nung tuesday. 39.5 nung gabi. kahapon di ko na nakuhanan. kasi po akala ko allergic reaction lang. biglaan kasi ako nag aaching [sneeze], sa gabi po ako umiinom para ok lang na antukin."

dok: may nararamdaman ka bang blah blah blah [---marami pang tanong---]

dok: "ok. baka trangkaso lang yan, or flu. i papa CBC at urinalysis kita, maari kasing dengue din yan."

ako: "nag torniquet test po ako. negative po sa peticheal rash."

dok: naloka, "nurse ka no?"

ako: "student nurse pa lang"

dok: "ah, mag pa CBC at urinalysis pa rin tayo kasi di naman 100% accurate ang torniquet test. para sigurado kasi sa platelet nakikita kung may dengue." blah blah blah.... "anung year mo na? san ka nag nunursing?"

ako: "4th year na po, sa _ _ _." [napromote ko pa yung school ko. shempre.]

blah blah blah. mahabang usapan.


hehe. o diba? bida-bida ako sa check-up. napa tumbling ko yung doktor. ahihi.


ang resulta: ok ang platelet. ung urinalysis may 3-5 rbc. for evaluation ako. kaya water therapy ako for 1 week. walang junk foods. walang maalat. ang lungkot diba? yun pa naman yung masarap kainin.tapos urinalysis ulet next week kung nawala or nabawasan. pag nadagdagan gamot na ito sabi ni dok.

gudlak!

No comments: