Wednesday, October 8, 2008

bitter

bitter tlga ako. di ako maka-get over.

kasi i mi-meet ko si bf that day to have lunch. so ayun prepare prepare. tapos nung nasa paglilinis na ako ng tenga, ayun na.

nagsimula yan sa cotton buds. ung cheap na cotton buds. nung nililinis ko yung tenga ko naiwan yung tip.

dba? kainis.

e nangyari na sa akin yun before, nadaan lang sa paggamit ng forceps. so ang ginawa ko, kinuha ko yung forceps tapos supeeer ask ng help from my father. e yung tatay ko di marunong gumamit ng forceps.. kaya yun ang ending lalong naitulak sa loob.

another kainis diba?

e nag hi-high pitch na tlga yung boses ko. haha. something to this effect:

"eeehh! i can feel pumapasok na sa loob"

haha. shempre. panu kung pumasok yun all the way in diba? very very wrong. so sabi ng tatay ko puntahan ko daw si louie [yung rn na bestfrend ko na katabing bahay lng namin].

ayun.. punta ako sa kabilang bahay. e di din kinaya ng powers ng RN.. peste.

so yun. pina try ko din patanggal kay bf gamit ang forceps. di pa din effective. another kainis.

so to the make the long story short, pumunta ako sa hospital at nag seek ng consult sa eent doctor. o diba? consult tlga? para sosyal. aheheh =)

leche. ang mahal ng siningil. bitter tlga ako. as in up to now di pa din ako maka-get over.

eto ang breakdown:

400 - professional fee
200 - removal of foreign body

plus tax pa yun. so mga 640+ ata binayaran ko. e jusko. health teaching lng ang ginawa ng doctor about sa proper cleaning or eras at ginamitan lang ako ng alligator forceps para madukot yung bulak. san ka pa? dba? spell O-V-E-R-P-R-I-C-I-N-G.

nung nalaman pa na nursing ang course ko may talak pa ang doctor na may bago na akong maituturo sa mga patient ko pag duty.

kanis diba?